please, i want it to be you.
gusto ko na ikaw ang kasama sa simula at habangbuhay.
oo gets ko, magulo ang mundo at nadadamay ang isip mo. sana'y pag isipan mo ang desisyon na 'to. ayokong masaktan muli, masyado nang mahina ang puso ko para masaktan ulit. pagod na ako sa paulit-ulit.
iintindihin kita, mahal ko. ipaglalaban ko. lahat ay gagawin huwag lang mangyaring mawala ang isang tulad mo sa aking piling.
sa panahon na bukambibig ko ang pangalan mo,
sa panahon na lagi kitang iniisip,
sa panahon na plinaplano ko kung paano kita sasagutin,
sa panahon na palagi kitang iniisip,
sa panahon na naiinip akong hawakan ang iyong kamay muli,
sa panahon na tinitiis kong hindi kiligin sa iyong mga salita,
sa panahon na buong pamilya ko ay alam ang pangalan mo,
sa panahon na gustong gusto ko na mapasa-iyo,
sa panahon na nagpupuyat lang ako para makausap ka nang matagal,
sa panahon na gustong gusto na kitang pakasalan,
sa panahon na iniiyakan kita,
sa panahon na iniintindi kita,
sa panahon na napapangiti ako,
sa panahon na kinikilig ako,
sa panahon na nagpapasalamat ako sa diyos dahil sayo,
sa panahon na nagiging perpekto na ako sa aking isipan,
sa panahon na hindi na ako natatakot sa pag-ibig
sa panahon na alam mo na lahat tungkol sa'king sarili..
ang panahon na iyon ay ngayon, ngunit sana'y wag naman mawala lahat nang 'to.
ayokong umulit muli,
ayokong tumingin sa mata na hindi sayo,
ayokong magmahal ng taong hindi ikaw,
ayokong ipakilala sa aking pamilya ang taong iba ang pangalan.
matagal ko nang hinihingi sa mundo na ibigay na sakin ang tamang tao at matrato nang tama, ikaw yun. pangako sayo at sakin na hindi ka papakawalan, kahit ano mang pumasok sa isipan, o ano mang mangyari sa kapaligiran.
todo ang pagsasalamat ko nung una kitang nakilala, ang ngiti at tili ko sa unang usapan, at sabik na makasama ka pauwi at hinahanap ka kung saan-saan. mga salitang hindi ko inaakalang maririnig ko at matatanggap ko. mga gawaing nagpapakilig sakin at tinatago ang ngiti. ang pagtibok ng puso ko habang kinukwento kita sa pamilya ko... ang mga tawang nilabas ko habang binabanggit ang pangalan mo sa mga kaibigan ko.
mahal na mahal kita. ikaw ang nagbigay ng totoong pagmamahal. hindi tulad sa nakaraang nagdurog sa'king damdamin.
sana'y pag-isipan muli,
sana'y ikaw ang makasama sa kama at paglakad kung saan-saan,
sana'y ikaw ang naghihintay sa dulo ng altar,
sana'y ikaw ang kayakap sa tag-ulan,
sana'y ikaw ang huli kong mamahalin..
pag-isipan mo, mahal. tama ba ito? mangyayari na ba ang kinakatakutan ko?
pag-isipan mo, mahal. ayokong lahat ng ito ay maging memorya na lamang.
pag-isipan mo, mahal. masasaktan nanaman tayo muli.
pag-isipan mo, mahal. seryoso tayo sa isa't-isa.
pag-isipan mo, mahal. hindi na tayo makakakilala ng taong tulad natin.
pag-isipan mo, mahal. ayokong umiyak ulit.
pag-isipan mo, mahal. sayang lahat ng ito.
pag-isipan mo, mahal.
— F
Comments
Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )